“Ang hirap maging panget… buti na lang, hindi ko naranasan.”
-isa yan sa mga bagay na hindi akma kung ako ang magsasabi…
kaya hindi iyan ang topic ko ngayon.
“…You just lack passion.”
-iyan ang sagot sa akin ng aking ermat nang sabihin kong wala akong kakwenta-kwentang TAO (dahil dyosa ako, joke lang.) dahil wala akong forté sa kahit anong field. A little bit of some things, pero wala yung forté ko talaga.
>> Arts – mahilig (magaling daw?) akong mag drawing nung bata pa ako. Lalo na yung mga babaeng fashionable ang mga damit. Tanda ko pa, yung mga kaklase ko, ibinibigay sa akin yung notebook nila, tapos dun sa last page, papadrowingan nila sa akin ng kung anu-ano. Ang usual request eh babaeng naka-gown. Sasabihin nila yung tipo ng design na gusto nila, tapos ido-drowing ko. May mga times naman na bahala na daw ako kung ano gusto kong idrowing, basta drowingan ko yung likod ng notebook nila. Astig noh? Elementary pa lang ako nun. Ang hilig ko rin sa animé, particularly, yung Sailor Moon. Oha. Dun ko nakuha yung inspirasyon sa pagguhit, gandang-ganda kasi ako sa mga animé characters noon eh. (Binalak ko pa ngang magpahaba ng buhok noon na hanggang tuhod, tapos ipupuyod ko sa bandang taas, parang si Usagi (Sailor Moon)
Sabi ng mga classmates ko, may chance daw akong maging fashion designer paglaki ko. At ngayon, pagkalaki-laki ko na, hindi na natupad ang hypothesis nila. Bakit? Because I lacked passion para ituloy ang pag-enhance sa talento ko sa field na iyon.
>> Music – (piano / organ) – ang una kong laruan na instrumentong pangmusika ay iniregalo sa akin ng parents ko, when I was between 3 ~ 4 years old — isang piano na laruan, maliit lang, hugis puso, kulay pink, puti lang ang keys at pambata talaga, kasi kung daliring pang-”adult” ang pipindot eh lalagpas sa isang key (kumbaga eh magkakadoble ang pindot) kasi ang liit nya lang talaga.
“Testing”, ‘ika nga. Laru-laro muna, siguro, tinignan ng parents ko kung may potensyal ako sa ganuong larangan; inobserbahan nila siguro ako kung makakabuo ako ng “music” na “pleasant to the ears”, at hindi ko lang ipaghahahampas yung pianong laruan sa mga G.I. Joes kong toys. Joke lang ulit.
Tapos, nung siguro eh nakatyamba akong makabuo ng “pleasant-to-the-ears-kind-of-music” sa kapipindot ko ng hindi ko nalalaman, eh nagdecide ang parents ko na i-upgrade ang gift sa akin nung sumunod na taon. Laruan na piano – organ pa rin. Maliit. Pa rin. Pero may black keys na sya. Tapos 2 ~ 3 (2 1/2?) octaves na sya. May kasama na rin na (parang leaflet) numbering ng pambatang songs.
“Row, row, row your boat, gently down the street…?!??!?!”;
“London Brinjens falling down, falling down, falling down…”;
“Twinkle, twinkle linters tah…”;
at ang walang kamatayang “Happy Birthday”.
Pindot…pindot… pindot… yown! nakabuo! bonus pa, may mga “mini” compositions pa ako nung bata ako. Sa isang lumang notebook, may mga numbers… yun pala yung ginawa kong keys para matandaan ko sya nung mga panahong iyon. May “Song for Mommy”, “My Happy Song”, etc. Nalimutan ko na yung iba. May isang dekada halos ang lumipas bago ako nabigyan ng totoong keyboard. Yung sa computer. Joke na naman. Yung Yamaha (PSR-A3).
Suddenly, my mom said, “Pwedeeeee!!!
“
Kaya ikinuha niya ako ng tutor para turuan ako formally ng basics sa keyboards. Shifting, kinds of notes, kinds of rest, one, two, three…!!! Awww~! Parang nakaka-excite ano? Pero hindi. Hindi ganun kadali. Bakit? kasi isa akong MALAKING TAMAD. Maliit pa lang ako, isa na akong (here it comes again) MALAKING TAMAD.
Gayunma’y pinilit (pa rin ako ng aking ermat) ko pa rin na ituloy ang pag-aaral. Naka-ilang palit rin ako ng tutor (hindi bababa sa lima), kasi ang sabi, sila ay busy, walang panahon, lumipat ng lugar, etc… Yun nga kaya ang dahilan?
Sa ngayon, may sampung taon na akong tumutugtog regularly sa church namin. Pero hindi ko pa rin masabi na magaling na magaling na ako (dahil kayabangan yun). May mga classic pieces na gustong-gusto kong aralin, inaaral, tinatamad aralin, tinatamad tapusin, o kung matapos man, eh tinatamad i-perfect. At ang dahilan (bukod sa mejo tamad ako)? Korak. I lack passion pa rin.
>> Music – (guitar) – “If life is so short, why won’t you let me love you before we run out of time; if love is so strong, why won’t you take a chance before our time has gone; if life is so shoooooort… if life is so shooo-ho-ho-oort…“
The Moffatts — ang dahilan, una, at original na inspirasyon ko sa pag-aaral ng gitara nung high school. “If Life is so Short” ang unang-unang kanta na natutunan ko sa gitara. (yap, hindi “When You Say Nothing At All” ni Ronan Keating na may chords na D-A-G-A). Euf, ang boy band ko pala dati! lol.
Saka na lang sumunod yung mga rakrakan na banda talaga. Hindi ko na babanggitin, kasi mejo tinatamad na naman ako.
Y2K. Hindi na makahintay ng birthday ko na October, kaya June pa lang, ibinili na ako ng acoustic guitar ng mahal kong ina. Ano ang gagawin ko sa gitara kung hindi ako marunong tumipa? So, yes, may tutor ulit ako. Si Kuya ‘Apih (Rafael). Alam mo yung “hasler”? Sya yun. At hindi simple ang ginawa niyang pagtuturo sa akin. Halos gabi gabi siya sa bahay, tyinaga niya talaga ako turuan. At hindi basta bastang turong kanto lang ha. May exam din ako. Tatlong bes pa ata yun. May written at actual, tapos tinignan niya kung may improvement ako, pati sa principles ng pagtugtog. Luckily, meron naman daw.
Nung matapos na ang set of sessions namin, sinabi niya sa akin na bago pa man ako gumradweyt ng high school, kung patutuunan ko talaga ang pag-improve sa sarili ko sa pagtugtog ng gitara, eh magiging magaling na magaling ako. (palakpakan!!!)
Hulaan ninyo kung ano ang nangyari?
hehehe… As of now, nakaka-compose ako ng mga sarili kong kanta, mejo makapal na rin yung scratch papers ko sa kwarto (ang sipag ko kasing mag-file). Hindi ako masyadong mahilig tumugtog ng ibang kanta. Mas trip ko yung sarili kong gawa. Kumukuha lang ako ng tabs pag tipong gustong-gusto ko talaga yung kanta. Kumukuha lang. Hindi inaaral. Mejo hirap pa rin ako sa mga tabs na mabibigat. Nag-flash back sa akin ang mga salitang sinabi sa akin ni Kuya ‘Apih… magiging magaling na magaling ako. Mmm! Wow! Sarap sa tenga! Pero nakaligtaan ko yung una niyang sinabi, bago ang phrase na iyon… Kung pagtutuunan talaga ang pag-improve sa sarili sa pagtugtog ng gitara…
Limot ko na ang 80% ng itinuro niya sa akin professionally.
/facepalm
Fail na naman ba? (-_-)
/***minsan ko ring pinangarap maging rock star***/
>> Music – (flute) – Bumili noon ng bamboo flute yung pinsan ko. Hihip. Practice. Hihip. Manunulay yung laway sa mouthpiece. Punas. Pasa sa akin ng flute. Hihip. Practice. Hihip. Hihip. Hihip… Nakabuo rin ako ng ilang kanta dun. Sabi ko pa nga, gusto kong bumili ng flute, yung (metal ba yun?) katulad nung sa member ng The Corrs, tapos yung mouthpiece eh patagilid, para sossy yung dating. Pero syempre, sabi ko lang yun. May hika ang ermat ko. Ayoko sumunod. Alam nyo na kung ano’ng nangyari.
>>Music – (violin) – Eto, ongoing pa ang pangarap ko dito. Hindi pa kasi ako nakakabili eh.
Pero hoping (actually, wishing) na one day eh makasama ako sa isang orchestral performance tapos ako yung soloist (either piano o violin). (tayog mo rin mag-ilusyon, Pearl! ano?)
>>Music – (drums) – Ayaw ng mommy ko nito, maingay daw. Kaya isinaisang-tabi ko na ang pangarap kong iyon, kasi alam kong hindi niya naman ako susuportahan. (emo?) Sapat bang dahilan iyon? Hindi ko alam. Pero iyon talaga ang dahilan, at hindi katamaran. Maniwala ka.
>> Singing – Member ako ng choir sa church, bago pa man ako mag-aral ng organ. 5 years old lang ako nun. Aga ko magsimulang mag-discover ng talent(s) ko noh? Ayun, sooo…. member ako. Yun lang. Wag ka nang magtanong ng kahit ano tungkol sa boses ko. Baka humanga pa eeh.
Sumasali din sa contests nung bata pa ako. (Nananalo ba? Pwede.
) Saka yung mga kanta-kanta sa schools. Lamona… kaaliwan ng magulang na makita on stage ang unica hija nila. Mga ganung bagay na hindi ko masyadong sineryoso kahit halos himatayin ako sa kaba tuwing aakyat ako ng entablado. wuuut!?!?!
**update – kahapon nga pala, eh kinausap ako ng manager ko dito sa office. Kailangan niya daw ng mga bokalista kasi kinukulang siya sa mga bookings (Manager din kasi ng Talent Center). Baka daw pwede ako, i-concentrate ko na daw ang pag-enhance sa singing skills ko. Hindi ko alam kung uubra. Malabo.
>> Dancing – Nagtuturo pa ako ng sayaw nung high school, mga production numbers, school presentation at activities, sumali pa ako sa cheerdance noon. Pero I quit nung one time eh may sobrang pinaghandaan akong performance pero may nagsabotage ata nung tape at namatay sa kalagitnaan. Sayang. Galing na galing pa naman ako sa sarili ko nun sa pagsasayaw. Ngayon, matigas / makunat na ang katawan ko sa pagsasayaw. -_-
>> Cooking – Ayaaaaannnn!!!! Masarap yaaaaan! Minsan may nagsabi sa akin, “kung hindi ka marunong magluto, ibig sabihin, hindi ka rin marunong kumain.” Common sense lang naman ang basics ng pagluluto. Anong lasa ang gusto mong palitawin? Maalat? Lagyan ng asin. Matamis? Asukal. Maasim? Vinegar. etc… Saka na yung mga complex na pagluluto. Masarap naman daw akong magtimpla ng lutuin, sabi ng mga nakatikim na pinandilatan ko ng mata. Sa isang saglit ay nahilig din ako sa pagluluto, lalo na kapag [see post (Lutong Bonding)]. pero bukod sa kakulangan ng time dahil ako ay isang working girl… next time ko na lang siguro ii-improve. Pag naging butihing maybahay ala plain housewife na ako. (kailan kaya yun?)
>> IT - Information Technology ~ Computer Scince. Ito ang propesyon ko ngayon. Propesyon? Kahit hindi ako propesyonal sa bagay na iyan. Astig rin yung mga geeky na kung anu-ano ang naiimbento sa programming, etc, ano? Advanced na masyado ang technology, kahit nakakaagapay ako, pagka-minsan eh pakiramdam kong nagpag-iiwanan pa rin ako. At bakit? … alam na.
>> Blogging – asdfghjklkjfghdfsa……..
***ganito ako ka-sipag na ni hindi ko alam kung paano tatapusin ang blog na ito.
/ Tama ang mommy ko. I lack passion. San ba nakakabili nun? O_o/
*END*









sa bayan yata nabibili un men, smahan kita.. wuuuuuut! hehehe
ndi nmn kelangan ng passion, minsan nga my passion kn pla ndi mo alam,,kasi ndi un hinahanap at sineseryoso, ang mhalaga msaya kang gngwa ang isang bagay. Mabuti kpa nga marunong kang mgpatugtog ng instruments, ako nga hithit buga lang ang kya..oo,pang tunog tao,tpz walang tono,ndi music,nkakaasar, buti nlng mganda ko, cute kong magdala ng hithit buga,,hahah,,pinagaaralan ko pa nga bumuo ng tunog s papamgitan ng kilikili ko pro wala din akong passion,,hahaha,,
ang importante dun men msya ka,wlang pumipilit sayo n gawin mo yan o ganto, ndi tulad ko, nkkpressure, taas ng expectation, hay,,buti nlng tlga mganda tayo khit wla tayong passion,,whew!(yebeng) hehe,,
gusto ko ung sketch mo ng gown, bagay ba sakin ung ganung design pag kinasal ako un ang gusto kong suotin men,,
hehe,,
Ganun ka-bongga ang gown na gusto mo? Yung parang pinulu-pulupot na halos di ka na makalakad? hehe…May title ako para sa comment mo:
“Ang ganda ko” o kaya, “Ang ganda natin” o kaya “Cute” o kaya “Di bale ng walang passion, maganda naman”… Hahaha…Isang araw, malalaman ko rin ang purpose kumbakit ako ganito katamad. hahahaha…