Bihira lang kami magkita ng high school friend ko, kasi ang trabaho niya eh palipat-lipat ng assignment o destination. (Cavite, Laguna, Iloilo, Cebu, etc…) Accountant sa Pepsi ba naman. Pag tinitignan ko siya eh naiisip ko na lang na napag-iiwanan na talaga ako ng buhay… Pero OK lang. Walang problema sa akin yun. Basta makapag-enjoy ako at the moment eh ayos na ayos na.
Tuwing magkikita kami, ang ginagawa namin eh lutong bonding. Mamimili kami ng ingredients ng lulutuin sa PureGold, mga chichirya, dessert, tapos… luto mode na (ng mga kung anu ano lang)! Kasabay ng walang humpay na kwentuhan, tawanan, kulitan at dvd marathon.
Last meet up namin nung Saturday (January 15, 2011).

sabi niya, kuhanan ko raw sya na mukha syang gutom... pero ang lumabas eh mukha syang inaantok? (masayang inaantok?) hahahaha

home made pizza: tasty bread, pizza sauce, pure foods tender juicy hotdog, bell pepper (red & green), white onions, topped with cheese! (oi, wag nyong isnabin, ang sarap ng kinalabasan niyan, naisip pa naming magtayo ng pizza business out of that. nyaheheheh :p)
Madaling madali lang yan… Kaya malabo yung ilang pics, ngatal na ako eh, gustong gusto na kumain… hahaha… sugooooodddd!!!!
Bago yan, eto yung huli naming kita, last year pa. (Antagal pala bago nasundan) (October 25, 2010)

kikiyam & squidballs... (yung squidballs, ubos na, bago pa yung pichuran, naiwan yung sunog na kikiyam... si Nesi ang nagluto niyan. Totoo! promise! hehe:p)

nalimutan ko yung itinawag ni Nesi dito eh, parang Hot and Spicy Tuna with Potato Mayo ala'Pearl (anu daw?!) basta, masarap yan. di lang halata. hehehe (special thanks to MadelaineAquino for the recipe
)
Ang saya na namin nyan. ganyan kami kababaw (at katakaw?). Ewan ko lang kung marami na ba yan o konti lang. Hindi pa namin nauubos yan, kasi dalawa lang kami… Pero sa simpleng mga bagay na ganyan, natutuwa ako at may mga tao (katulad namin) na hindi mahirap pasayahin.
Nakakatuwa na kahit madalas kaming magkalayo, o bihira lang ang communication, umaagwat man ang lifestyle, we still find time to be together once in a while. Nakaka-miss! Kelan kaya ulit ang sunod?
Work hard to bridge the gaps in geography and lifestyle
because the older you get, the more you need the people you knew when you were young.
-Baz Luhrmann







hi pearl! finally, na post na din to.. lagi na lang natin nakakalimutan isama ka sa picture..hehe..nxt time dapat taung 2 na…hay kelan kaya ulet?
)
try natin merong theme s susunod, ex. may particular n cuisine (chinese, japanese, italian?) haha..akala mo mga pro e noh?
miss you!
yown~! sa wakas… nabisita mo rin! oo, next time, sama din ako sa pic, tapos ikaw naman yung wala. hehehe joke. :p
kung maka-request ka ng particular cuisine, parang nagluluto ka talaga eh noh? di ba ang specialty mo naman eh paggagayat? kaya masarap ang mga niluluto natin, dahil dun! oha oha
hamishutuuuh! gimme a beep kung kelan ulit.
Pingback: Aja aja Fighting! « Black Pearl is Here