D’you understand the words that are coming out of mah mouth?

Here we go… yiiihhhh!!!! Pwede naman mag-tagalog dito, ano? Okay, to start up my all new blogging site… eto ka!

Wishes ng isang mahirap na katulad ko:

(pwera tawa, pwera lait. hindi masyadong biniyaya ng karangyaan ang pamilya at buhay ko… gising lang ako nung magsabog ng kayabangan at bipolarity ang kalangitan, pero nung kagandahan, katalinuhan, kayamanan, etc…  i fell in deep slumber…)

1. Malaki-laking kama – hindi naman kelangan na queen or king-sized, yung kainaman lang,

para lang hindi yung puwesto ko ng paghiga eh yun na hanggang sa bumangon ako.

kasi, pag gumalaw ako habang nakahiga, mahuhulog na ako. at malaki akong tao.

malaki talaga. :) )

2. Laptop – kelangan ko pa ba i-explain ang dahilan kumbakit ko gusto nito? kelangan ba talaga?

3. Malaki-laking closet – sa dami ng damit ko (na puro mumurahin lang, kaya marami) eh andami nang nagkalat sa lapag, nakatupi sa may bag, humper, sa aparador at babagsak na yung hangeran sa dami ng nakalagay. :( marami-rami na rin akong ipinamigay na hindi ko na masyadong isinusuot, eh marami pa ring natira.

4. Play Station – teka, parang nahiya na ako bigla sa kalagitnaan ng pagsusulat ko nito. parang napakahirap ng kalagayan ko sa buhay, na tila mga basic necessity (necessity? talaga?) na tulad nito eh wala pa ako. let me explain myself. bakit ko nasabing necessity ito para mabuhay ako. masaya, di ba? nakakaaliw. nakakalibang. kailangan ng tao ng outlet para ma-relax sa gitna ng nakapaligid na stress sa mundong ibabaw. sa buhay kong marami-rami ang dahilan para mag-emo, eh baka mamatay ako sa depression at lungkot pag hindi ko ni-try i-divert ang attention ko sa mga walang kwentang bagay tulad nito. (posible yun, di ba? mamatay sa depression?) tila ang FB at Tumblr ay kulang na para sa akin. maraming naiinis sa akin dun eh. emo daw ako. so pretty please, sana magkaroon na ako nito, para hindi na ako nakakaperwisyo ng buhay ng ibang tao kapag naiinis sila sa pagbabasa ng mga hinaing ko sa buhay…instead, ermat ko na lang ang peperwisyuhin ko,

na kung sakali eh hindi ko masusunod ang mga utos niya sa mga gawaing bahay dahil busy ako maglaro. :D

5. Internet Connection – alangan naman may laptop, tapos, spider solitaire lang ang gagawin ko… nuuuuhhhh… ampangit! parang hindi praktikal. (parang.) syempre, pano ko ia-upload ang blogs ko (including this, kung hindi ako makikikonek sa iba) kung walang connection? common sense, man! xD

6. Mala-studiong lighting para sa madilim kong silid – san pa ba naman ako magkukuha ng picture picture na pang-post sa FB kundi sa kwarto kong tahimik, madilim, walang bintana, at… (here comes the main reason) private na private talaga! mahiyain kasi ako sa personal eh. pag outdoors, jahe mag-popo-pose pag picturan na. hehehe. eh  kung sa kwarto ko lang, kahit ano, pede ko gawin. kaso  naman, sa complexion kong kayumangging kaligatan, kukuhanan mo pa ako indoors, nakakasawa naman ang photo album na tila puro anino o maligno sa haunted house lang ang naka-post. kailangan din naman siguro ng konting liwanag ang buhay! parang Meralco — may liwanag ang buhay! kung may kuryente nga kami sa bahay, pero wala namang ilaw (bumbilya) anong silbi? eh? duh buh… saka, hindi naman sa pinapangarap kong maging YouTube celeb (leave it to them, give others a chance), pero i like making videos of me, singing, playing the guitar, keyboards, etc… so, good lighting is a must. para naman, muli, eh hindi mukhang umiiyak na maligno sa karimlan ang nasa video! (yay! parang TV Patrol Halloween special ang dating! haha.)

7. MP3 player – kasi nasira na yung dati ko.

Ano pa? hindi naman ako nagwiwish ng sobra eh… mga SLR, ipad, tablets, mansyon, magarang sasakyan, etc… mga pinakasimple lang ito. pa-phase out na nga yung iba eh. maranasan man lang kahit minsan ng isang mahirap… na katulad ko. kthanxbai. :)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s