Bilisan mo, baka maiwan ka ng panahon,
Anumang nakalipas, di na maibabalik yun.
Bilisan mo, baka iwan ka ng sandali,
Mahirap nang habulin at makamtan muli.
Bilisan mo, hindi ka habambuhay bata,
Di mo mamamalayan, mabilis kang tatanda.
At kapag naramdaman mong handa ka nang magmahal,
Huwag sayangin ang pagkakataon, may mga bagay na di na pinagtatagal.
Bilisan mo, baka maunahan ka ng iba,
Pag nainip sya kahihintay sa iyong pagsinta.
Pag huli na ang lahat, mahihirapan kang sya’y bawiin,
Kapag sa puso nya’y may iba nang umangkin.
Bilisan mo, di mo alam ang buhay,
Di ka sigurado hanggang kailan mo ito taglay.
Tuparin mo ang iyong mga pangarap, abutin mo nang masikap,
Nang sa huli’y wala kang pagsisihan, matapos man ang lahat.
BlackPearl
051712
Thursday
5:34 pm





